Tour of Friendship 2011

Go down

Tour of Friendship 2011

Post  kumagako on Sat Oct 30, 2010 5:47 pm

APR 30 to MAY 4

sa mga sasali eh pwede ito training plan.

----------------------------------------------
NOV 28 - TTT - rest na after
DEC 5 - rest week
DEC 12 - rest week

DEC 19 - BASE1 wk 1
DEC 26 - BASE1 wk 2
JAN 2 - BASE1 wk 3
JAN 9 - BASE1 rest week

JAN 16 - BASE2 wk 1
JAN 9 - BASE2 wk 2
JAN 16 - BASE2 wk 3
JAN 23 - BASE2 rest week

JAN 30 - BASE3 wk 1
FEB 6 - BASE3 wk 2
FEB 13 - BASE3 wk 3
FEB 20 - BASE3 rest week

FEB 27 - BUILD1 wk 1
MAR 6 - BUILD1 wk 2
MAR 20 - BUILD1 rest week

MAR 27 - BUILD2 wk 1
APR 3 - BUILD2 wk 2
APR 10 - BUILD2 rest week

APR 17 - PEAK wk 1
APR 24 - PEAK wk 2

MAY 1 - RACE RACE RACE

----------------------------------------------
avatar
kumagako

Posts : 1906
Join date : 2009-11-02
Age : 40
Location : Singapore

View user profile http://www.cyclingsolutions.biz

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  skid on Tue Nov 02, 2010 12:21 am

hindi ko alam kung nakakatawa tanong ko ;) ;) pero pwede ba base and build mix in a week ?? will it work?
avatar
skid

Posts : 131
Join date : 2009-11-24

View user profile

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  kumagako on Tue Nov 02, 2010 11:26 am

skid wrote:hindi ko alam kung nakakatawa tanong ko ;) ;) pero pwede ba base and build mix in a week ?? will it work?

nice question, actually may sagot yung libro ni Joe Friel diyan. may mga ganyang klaseng training plans daw kaso mas maraming trial and error para makuha ang timing ng peak performance mo sa raceday. nobody wants to peak at weekend RTI.
avatar
kumagako

Posts : 1906
Join date : 2009-11-02
Age : 40
Location : Singapore

View user profile http://www.cyclingsolutions.biz

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  Makoy on Tue Nov 02, 2010 12:45 pm

kumagako wrote:
skid wrote:hindi ko alam kung nakakatawa tanong ko ;) ;) pero pwede ba base and build mix in a week ?? will it work?

nice question, actually may sagot yung libro ni Joe Friel diyan. may mga ganyang klaseng training plans daw kaso mas maraming trial and error para makuha ang timing ng peak performance mo sa raceday. nobody wants to peak at weekend RTI.


Kaya siguro sa RTI ako nag-peak... :x
avatar
Makoy

Posts : 1062
Join date : 2009-11-04

View user profile

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  Makoy on Thu Nov 04, 2010 12:35 am

May website ba itong TOF na 'to?

Gusto ko sanang makita yund details ng route nya... :bounce:
avatar
Makoy

Posts : 1062
Join date : 2009-11-04

View user profile

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  Proud2bpinoy on Fri Mar 18, 2011 11:34 pm

avatar
Proud2bpinoy

Posts : 633
Join date : 2009-11-04

View user profile

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  kumagako on Thu Mar 31, 2011 1:08 pm

payment details c/o team life extensions

Can you send by bangkok bank
Bangkok Bank Public Company Limited Singapore Branch
180 Cecil Street Bangkok Bank Building Singapore 069546
my account Mrs.Titaree Tanakorn no.131-0-709-801
and scan slip to me. keep your slip for show me when arrive bkk too.
avatar
kumagako

Posts : 1906
Join date : 2009-11-02
Age : 40
Location : Singapore

View user profile http://www.cyclingsolutions.biz

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  Makoy on Thu Apr 28, 2011 3:50 pm

Today is the flight of our Tof 2011 warriors...

Good Luck, take care and enjoy your adventure!

At sa pag-uwi, huwag kalimutan ang pasalubong! party hataw hataw hataw
avatar
Makoy

Posts : 1062
Join date : 2009-11-04

View user profile

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  Original_Sigbin on Thu Apr 28, 2011 5:23 pm

hndi puweding wlang pasalubong pgbalik kung ayaw yong sabunutan sa mga hungry sigbin... sabog
avatar
Original_Sigbin

Posts : 739
Join date : 2011-02-01
Location : In your checksix

View user profile

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  kumagako on Fri Apr 29, 2011 5:04 pm

Original_Sigbin wrote:hndi puweding wlang pasalubong pgbalik kung ayaw yong sabunutan sa mga hungry sigbin... sabog

galit
avatar
kumagako

Posts : 1906
Join date : 2009-11-02
Age : 40
Location : Singapore

View user profile http://www.cyclingsolutions.biz

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  kumagako on Sun May 01, 2011 5:37 pm

Stage 2 neutralized dahil umulan at maraming crash

team pbb oplok esacaped unscathed

nalagas ang feloton to 25% in number

maraming big names nadale ng crash at mechanical

pangit.kc kalsada at di marunong umilag

chance mapasok ang pbb sa top ten

but stage was neutralizwd nga and every1 had the sametime

itwas a chance but was gone
avatar
kumagako

Posts : 1906
Join date : 2009-11-02
Age : 40
Location : Singapore

View user profile http://www.cyclingsolutions.biz

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  kumagako on Thu May 05, 2011 11:08 pm

WE ARE BACK!!! TO THE PUTURE!!! IN THE WORLD OF SIGBIN AND DARK ENTITIES!!!
avatar
kumagako

Posts : 1906
Join date : 2009-11-02
Age : 40
Location : Singapore

View user profile http://www.cyclingsolutions.biz

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  Makoy on Fri May 06, 2011 1:48 pm

Welcome back to the PUTURE mga dre...

Where is the race/trip report? sayaw
avatar
Makoy

Posts : 1062
Join date : 2009-11-04

View user profile

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  kumagako on Fri May 06, 2011 2:56 pm

stage -1:

pagdating sa bangkok airport eh matagal na hintayan para malabas ang bikebox mo sa immigration.
dagdag pa hintayan para sa shuttle na magdadala sau sa hotel.
iiwan mo ang bikebox mo sa isang sulok ng airport bantay ng mga staff
makukuha mo yung bike mo ulit sa hotel after 9pm ata kc isang bagsakan ang transfer.
the motel is great kaso ang pagkain eh terrible or di lang ako sanay sa thai food.

stage 0:

recon ride to the race site ng ITT.
grabe at recon ride eh lumawit na ng konti ang dila ko habang dumidikit sa kanila.
buti nalang alam ni Thomas papunta.
pauwi eh inulan....
natakot magasgas ang carbon kaya nagtaxi nalang pabalik sa hotel.



dinner sa mall nalang kami ni kiko kasama massaje.

stage 1:

looksigbin! got the yellow sa 7km ITT @ 9'32".
sigbinako got 10'32"
kikodgreatsigbin got 11'02"



We stayed sa nonthaburi palace mga 27km away.





kami lang ata nagbike papunta/pauwi ng race site.
salamat sa garmin at natulungan kami sa navigation.
hanep ang Bangkok at panay flyover....
Imagine 27km sa siyudad eh nakuha lang namin ng 50minutes at pasyal pace kasi walang stoplight.

namiss siyempre namin ang sigbinfriends.


Last edited by kumagako on Sat May 07, 2011 10:17 am; edited 1 time in total
avatar
kumagako

Posts : 1906
Join date : 2009-11-02
Age : 40
Location : Singapore

View user profile http://www.cyclingsolutions.biz

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  Makoy on Fri May 06, 2011 7:48 pm

How's ur review sa race? Enjoy ba?
avatar
Makoy

Posts : 1062
Join date : 2009-11-04

View user profile

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  kumagako on Fri May 06, 2011 10:09 pm

Stage 2

kinabukasan eh maaga kami gumising ni kiko in the same bed
had breakfast na parang tira nung last night's dinner
buti nalang may fried eggtlog at white rice at yung lang kinain ko
anyways may dala naman akong quaker oats
at naka hiram ng thermos sa reception

then checkout and sakay the bus with all our things to the start of stage 2.
Sa bus palang eh umaabon na at medyo nagbabadya na uulan.
ayun pagdating the start line eh umuulan
nung nag GO kami eh tapos na ang ulan kaso basa ang kalsada.



grabe at tindi ng speed sa highway ng mga leaders ng pack
umuulan ng malakas at daming nagsesemplangan left and right
kumikidlat sa may kalayuan na ikinatakot ng mga race directors





tumigil ang ulan at dami paring semplangan dahil sa ibang malilikot na rider
di ko na babanggitin kung ano bib# nung pinakamalikot
dmi ring na-flat na mga gulong



pagkatapos ng 110 na kilometro
eh napag-alaman na na-neutralize ang race
swerte sa mga sumemplang at naiwan
malas sa mga hindi sumemplang na nasa huli ng lista ng GC

si looksigbin eh sumemplang dalawang beses kaso nakakatakbo parin at kasama ng feloton.

sure swak talaga ako at baka si kiko sa top 10 ng GC
kc ~15 riders nalang natira sa feloton
kasama na dun ang apat na 50s cat at ilang OPEN riders na nakain ng feloton namin.
dami ring big names na nahulog nung araw na yun

anyways, dumating kami sa Supalai pasak resort
pumasok sa cabin, napalastar ang gamit at bikes.



masarap na sana ang kina pwepwestohan namin kahit walang kuryenta
nung hindi nagmaka awa ang isa pang pares na riders sa kabilang cabin
na magpalit daw kami ng lugar para magkasama sila ng mga brod nila.



kami pusong mamon eh pumayag at binuhat ang mabigat na bag at bikes
papunta sa kabilang cabin.
wala paring kuryente at tadtad pa ng lamok.
malas rin na mas maliit ang cabin



nung hapon na yung eh namasyal kami ni kiko sa labas
at napansin na lugar ata ng mga sira-ulo ang lugar na yun
dami kasing kaka-iba na mga indibidual namamasyal sa labas



hindi namin ito pinansin kasi nakakita kami ng convenience store na
dapat nakapaa ka kung pumasok at BBQ chicken na 10baht lang.

at last nakakain rin ako ng maayos!!!
avatar
kumagako

Posts : 1906
Join date : 2009-11-02
Age : 40
Location : Singapore

View user profile http://www.cyclingsolutions.biz

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  kumagako on Sun May 08, 2011 11:12 am

stage 3

sa Sulai pasak resort ang start ng race for Stage 3.
Binalot ulit namin ni kiko and gamit namin at sinakay sa bus.



Prob eh may kalayuan ang cabin namin kaya dalawang trips...
una ang gamit then balikan ang bike.

sa simula palang eh nalaspag na ako sa palipat2x galit

Dapat talaga may handler ka or/at may van service ka para dito. luge talaga basta team oplok trabaho

kaso si kiko eh ready na talaga ata para sa action



tung mga tao sa startline eh ready narin



nung mga panahon na ito eh nalaman namin na may matinding climb sa km 18 at km40 ba yun?
anyways ready na kami kung sakaling tumira ang feloton

gumulong medyo maayos palabas ng resort ang feloton
kitang-kita na kumakawag ang mga binti ng iba na gusto paliparin ang takbo ng grupo.

kami enjoy lang hanggang km 7.....
shet!!! decisive na akayatan na 1km mga 9% help

nakakappit ako sa feloton kasi rumagasa talaga ng togo paakayat
dili kumawala yung sabik ng mga makating paa
si kiko na drop at naging indyan

ako grabe laspag at trying to recover at the back of the pack.
then dumating yun 1.5km na akyatin
dito na drop na ako at lumipad talaga paakyat yung feloton

madami kaming na drop kaya gumawa nalang kami ng grupetto paglagpas sa tutok
kinain ng 40s group after a while yung grupetto namin
at sumabit kami kasi ang dami nang 30s na sumabit

may ibang 30s pa nga na tumutulong sa harap....

nung mga hapon na yun eh napgesepan ko na mali yung ginawa ko
at lugi naman yung naghahabol sakin sa likod if ever.

laking baliw na wala si kiko sa 40s cat feloton

anyways sumakay nalang ako at tinapos ang race with the pack....

dumating si kiko ala manimal after 30minutes
grabe at walang ka-poise2x na kinain ang ice cream na binagay ko sa kanya just after the finishline.



ito yung finishline na may 10% 400m na ahon



ito yung restaurant sa finishline na di ko maintindihan ang pagkain
buti nalang may eggtlog at may nakain ako naman

sumakay kami sa bus after an hour or two then pumunta kami sa Kantary hotel... bus ride = ~2hours


(yung mataas na building)

Napag-alaman namin sa Kantary na fully booked na pala sila at dun kami sa motel linipat.

Dinala kami ng service van papuntang Motel.
Kaso hindi kasya ang bikes kaya binike nalang namin sunod2x sa van.

Motel talaga kasi may see-through glass na pwede mo silipan ang partner habang naliligo.
Shared queen size bed rin na amoy sigarilyo.

Pumayag na ako dito at naplastar ko na lahat ng gamit ko kaso si Kiko eh ayaw ako maging katabi at lugi daw....



Kaya nung napasyal kami ng hapon na naghahanap ng massaje

eh bumalik kami sa kantary at napalipat si Kiko sa isang resort na maayos ng konti.
Problema lang eh 25km away yung resort...

Sa takot ni kiko na baka magsiping kami sa shared na kama eh pinalipat niya dun.

Ayun balik kami sa motel at kuha lahat ng gamit
load sa service van na 500baht ata ang bayad
biyahe sa liblib na resort
dumating dun ng maayos at nag check-in sa room na two separate beds.

malaki ang kwarto ng resort kaso ang daming insekto

anyways pagod na ako palipat-lipat at pagkatapos kumain eh natulog agad kami
avatar
kumagako

Posts : 1906
Join date : 2009-11-02
Age : 40
Location : Singapore

View user profile http://www.cyclingsolutions.biz

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  Original_Sigbin on Sun May 08, 2011 6:08 pm

kumagako wrote:WE ARE BACK!!! TO THE PUTURE!!! IN THE WORLD OF SIGBIN AND DARK ENTITIES!!!

nasaan na ang pasalubong namin?....
avatar
Original_Sigbin

Posts : 739
Join date : 2011-02-01
Location : In your checksix

View user profile

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  kumagako on Mon May 09, 2011 6:10 pm

stage 4

Thrilling talaga hindi pa nagsisimula...
50minutes late dumating yung service namin. 7am yung usapan eh dumating 750am

Talo na agad ang team oplok at nagmumukmok sa lobby kc walang service na iba yung resort.

25km away at 8am ang start ng race.
Swerte at mabilis pinalipad ng mokong na driver yung service.
Dumating kami sa start line with few minutes to spare bago mag flagoff ang cat30-39.
Buti rin late nagstart ang race.

Isang pang excitement eh naiwan nung kinagabihan ni kiko ang shoes at jersies niya sa service.
Anyways naconfirm namin na nasa Kantary Hotel desk siya naligpit.
Pagdating ng service eh kami kakawag kawag sa pagassemble ng bikes, gamit na i-loload sa bus at gamit ni kiko na nawawala.
Ang mga kalaban eh relax lang naghihintay...

talo na agad ang team oplok.

Sa kakawag-kawag eh di ko pala nahigpitan ng maiigi ang front skewer ko.
Nalaman ko lang kinagabihan nung naglilinis ako ng bike.
No wonder maingay yung bike ko habang umaakyat nakatayo sa Khao Yai.

talo na naman ulit ang team oplok

Swinerte naman at may konting oras pa eh nasilip ko rin yung GC list sa lobby.

Kawawa naman ako at pangit ang time at dinagdagan pa ng 5 minutes ewan ko para saan.
Yung iba swerte eh sumakay ng van naka sametime pa sa lead pack.

Talo na naman ang team oplok at demoralized na naman.

Anyways nung lumipad ang feloton from the hotel eh dumating kami sa isang 5km ata naakyatan
sa may km60. Dito nahiwalay na ang puti sa di-color.

Ako na drop at nag pa easy2x nalang naghahanap ng gruppeto na 30s.

Obviously talo ang team oplok dito.

Dinaanan ako ng breakaway ng 40s cat at sumabit ako.
Then na realize ko dapat maghanap ako ng 30s na gruppetto.

So I fell back anyways kc mabilis masyado ang pace nila at malalaspag ata ako kung ituloy ko.
Malayo pa ang Khao Yai national park at ayoko maglakad dun sa mga sinasabi nilang 20%.

Naabutan naman ako nila Bergtor at sinabi niya na sumabit daw ako para may kausap siya.
Sumabit ako sandali at bumitiw narin at mabilis ang pace nakakalaspag.

Then dinaanan ako ng third na gruppo na halo 30s and 40s nagtutulungan sa chase.
Sumabit ako sandali kaso bumitiw rin ako.

Easy ride nalang, anyways palpak narin yung GC ko at wala nang pag-asa.
Better na just for fun nalang and enjoy the view.

Padyak padyak ako mga tempo pag uphill at patag at relax pagdownhill.
Iniisip ko na baka yung gruppeto nila kiko eh maabutan ako.

Bago dumating sa Khao Yai eh may omobertake sakin na cycleworks rider with a green number tag.
Ka CAT ko!!! Ayos toh!

So nagtulungan kami hanggang sa paanan ng Khao yai akyatan.

Medyo malaki siya na rider kaya naiiwanan ko sa akyatan kahit tempo lang tinitira ko.
Kaso pag pumatag ng konti eh humahabol.
Then naabutan pa ako sa Life Extension rider na si brian
na kasama pala ni kiko dapat sa gruppeto.

anyways pagdating sa 20% section eh ako nalang ulit mag-isa umaakyat

ma-igsi lang pala ang matatarik na portion na pwede mo tiisin.
mahirap pa yung sa Genting
mahirap pa yung tatahakin mo papunta sa Khao Yai keysa pagakyat nito

Then dumating ako sa tuktok at naging rolling na ang terrain to the finish.
Prob lang eh sankatutak na humps dun sa baba ng lusong bago umakyat ulit.
Anyways na practice ko naman ang bunnyhops ko at 60-70kph at sisiw lang.

Dumating ako sa finishline na natutuwa na hindi pala ganun kahirap ang Khao yai climb kumpara sa sinabi ng iba.

Dumating si kiko after a few minutes kaso ang prob eh naubusan na siya ng packed lunch.
Buti nalang may convenience store dun na may junkfood para carbo load...
Wala yung bus at nasa baba ng bundok ayaw umakyat at nandun yung pagkain namin.
Yung mga nandun lang eh mga team cars.

Talo na naman ang team oplok.

Sumakay kami ng shuttle para bumaba patungo sa bus at dun naka-carbo load ng tama.
Mga dalawang oras na biyahe eh dumating kami sa kantary hotel.



Kumain doon at nakipagkwentutan sa mga dabarkads habang hinihintay dumating yung mga bikes na niload sa trak.
Mga 2 hrs na hintayan rin yun at madilim na sa labas.



then kumuha ng service pabalik sa resort mga isang oras na biyahe.

Ang mga kalaban eh ikalawang tulog na, nakaligo at nagrerelax na at kami nasa biyahe parin...

talo na naman ang team oplok

naiwan pala ni Kiko sa Khao yai yung helmet niya sa Khao Yai
ito sana yung bilbilhin namin kapalit


kaso prob eh wala na badget...

talo na naman ang team oplok


Last edited by kumagako on Tue May 10, 2011 1:23 am; edited 1 time in total
avatar
kumagako

Posts : 1906
Join date : 2009-11-02
Age : 40
Location : Singapore

View user profile http://www.cyclingsolutions.biz

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  skid on Tue May 10, 2011 12:22 am

para hindi kayo nahirapan sa logistics , dapat dinala nyo PBB official team ride ==> ride ride ride
avatar
skid

Posts : 131
Join date : 2009-11-24

View user profile

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  kumagako on Tue May 10, 2011 2:21 am

stage 5

maganda yung gising ko kasi sa sobrang pagod sa logistics nung day b4 eh nakatulog ako agad.

tinapos ko yung paglinis at pag condition sa bike
linigpit lahat ng gamit ko at dinala lahat sa lobby para checkout

dumating ng 7am ang service kaso ang problema eh kotse ang dinala....

di naman ganun kalakihan ang hood kaya matinding enerhiya ang linabas
ko para magkaalas at magkasya ang dalawang bikes

papunta pa lang eh talo na agad ang team oplok

problema sa resort eh walang tao at kung magbrebreakfast ka hihintay ka matagal para maluto 'ala carte kc'

so umalis kami sa resort na walang almusal

talo na naman ulit ang team oplok

dumating kami ng saktong oras sa kantary hotel at iniligpit ang bags sa bus

yung isa sa tatlong ginawa kong homemade energy food nalang yung inalmusal ko
at titipirin ko nalang yung dalawa para sa race.

anyways 80kms lang daw according sa race leaflet.

linagyan ko nalang ng gatorade yung dalawa kong bote para hindi masyado talo ang team oplok.

tiningnan ko ulit ang race leaflet at 6km rolling start...
eh di ok at matitipid ko yung pagkain ko

laking ikinatuwa ko naman rin nung umaga na yun na inayos yung 5 minute penalty ko.

anyways oplok parin naman yung GC standing.



then nagready na kami pag flagoff ng race......

grabe! at sa pagtunog palang ng trumpeta ng karera eh biglang humataw ang mga tao sa harap.
ginamit yun maliit na pwerta ng hotel driveway at isang 90deg at u-turn para makawala.

shet! hindi ako nasabihan ng mga katabi or naisip na baka magtitirahan ito sila sa simula.

nahati ang grupo at nagkaroon ng chase for 5km.

dito na drop si kiko at di ko na nakita. nabulaga surely sa strategy ng mga leaders.

sa race strat intelligence eh talo na naman ang team oplok.

anyways nakadikit naman kami.
kaso grabe at walang tigil ang takasan at surges for the first 40km.
ang daming makakating mga paa.

nung mga km50 eh medyo kumalma ang feloton at baka pagod na...

naesep ko na tumakas kasi 30km eh kaya ko i-timetrial.
kaya nung km51 eh sumurge ako para tumakas.
dahil malayo ako sa GC eh pinakawalan ako.

naobertakan ko yun picolabz na tumakas earlier at sumabit sa likod ko.

then lumiko kami pa kanan sa intersection at nabulaga ako ng headwind.

sabi ko ok lang yan at may kalayuan ang feloton at pacing lang ako ng timetrial power.
nung pinapalit ko ang mokong eh 5secs lang ang kaya at bumababa ang speed.

So ako nalang nagpull while keeping time checks (actually distance) from the feloton.

Nung lumalapit na ang feloton sa aking pananaw eh tempo power nalang tinitira ko.
Naisip ko na lugi talaga ang breakaway sa feloton kung may headwind.

Mamayang konti eh brumidge si effandy na team specialized at rotation kami.
biglang lumaki ulit ng konti ang gap nami sa feloton.



anyways kada palit ko eh panay tingin ko sa feloton.

nung lumalapit na ulit ang feloton eh kumalas ako at tumira ulit ng tempo.
pagtingin ko sa metro eh km62 na yun at malayo paang fenesh line.

dinaanan ako ng feloton mga after 30secs at lumatch ako sa likod para magpahinga.
yung grupo eh nakain narin agad.

which i guessed will be kasi sa breakaway eh lion's share yung pull ko.

sabi ko sa sarili ko eh mamaya nalang...

then lumipas yung mga kilometro at sa km75 ata eh naesep ko na oras na kumilos.
pagtingin ko sa harap eh si efandy tumakas pala.

pagkakataon ko na ito sa isip ko kaya tumakas bigla ako.
kaso 5sec paglingat ko eh hinahabol ako ng mga ANZA riders.

Kaya binagalan ko yung takbo ko mga endurance pace at dumikit lang sila sa tabi ko.
Tinanong pa nga ako na bakit ako bumagal at nagbloblocking.

Then dahan2x lumalayo si Efandy. Nung may konting kalayuan na eh humabol yung ANZA rider.
Dumikit ako sa likod.
Habang nakadikit eh sinasabihan ko siya na "switch" and "change"
ayaw niya mag switch

alam siguro niya ang plano sa utak ko na papatayin ko ulit ang tranko kung sakali nagpaswitch siya.

so punta ako sa Plan B.
Sakto pagdikit niya kay efandy eh tumakas ulit ako.



pinakawalan ako ng grupo at nakagawa ng konting distansya

malapit na ang 80km at sakto na itong matchstick na ito hangang finsihline.

mamayang konti eh dumating si looksigbin! siyya lang mag-isa sa likod
at sabi ko ok na ito at sure makakatakas
hangang finsihline kahit second place ok na for team oplok
malayo ng konti ang feloton nung mga oras na ito.

then..... @ km 81

nakita ko na 10km to go pa pala. SHET!!!

Dumating sila Thomas at efandy and with some other guys



at at nakain namin si Pinpin Uy of Franzia... with a broken front spoke.



Di ko alam may nakatakas pala sa harapan

talo na naman ang team oplok sa intelligence at logistics galit

So binigay ko nalang sa grupo yung natitirang chakra ko para makagap sa feloton.
Anyways sa sprint talo na ako at laspag na ako kanina pa ok lang sakin ang 7th place kasi 7man group kami.

Dumating kami sa dam na 1.5km yung akyatin.

Laspag na and did the oplok thing of burning my last matchstick 10km before the finish resulted na di makasabay sa leadpack paakyat.

kaso nung malapit na sa finish eh nakahabol ang chasing pack which ended me around 12-15 place ata.

The feloton was way behind thanks!

As usual wala dun yung service bus kung nasaan ang recovery drink at tinitiis ko nalang yung konting kagutoman.

talo talaga ang team oplok kc ang ibang teams eh kumakain at nagrerelax sa kanila-kanilang van.

anyways dala ko yung cellphone ko as what i have promised kiko early that day na kukunan ko siya ng video when he crosses the line.



the endo
avatar
kumagako

Posts : 1906
Join date : 2009-11-02
Age : 40
Location : Singapore

View user profile http://www.cyclingsolutions.biz

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  kumagako on Wed May 11, 2011 1:12 pm

stage 5 the continuation....

ayun gutoman eh nilibang ko nalang sarili ko sa may dam panay picture2x.

mamayang konti eh may packed lunch na

rice with curry chicken eh ok na ito at gutom na to the maxxx

malas talaga wala akong nastock na pagkain sa bus dahil sa pagmamadali...
dumating rin kasi ang bus nung oras na yun

buti nalang umakyat yung bus kc earlier on eh pinapababa kami sa paanan ng dam
kasi nandun yung bus nakastandby. thank god.

hirap na bababa ka papunta sa bus para sa gamit mo
then aakyat ka para kumain or vice-versa

dumating narin yung trak na ilululan ang mga bikes at sinalpak ko agad yung bike namin ni kiko.

medyo hintayan mga 2 oras at umalis na ang bus pabalik ng bangkok.

swerte at nagpagas yung bus after 30minutes journey
at naka bili kami sa convenience store ng pagkain.

malas lang eh puro junkfood dun sa convenience store
at ok na ito keysa wala...
napabusog nalang kami sa softdrinks.

dumating sa Nonthaburi hotel kami after 2 hours na biyahe
at nakacheck in mga alas-cinco na ata

nagrelax muna kami at punta sa mall mga laspas 7pm para maghapunan at masaje

paguwi namin mga 930pm eh
nandun na yung mga bikes sa lobby ng hotel

dito nagsimula na kami sa ligpitan ng mga gamit sa bikebox....

happy narin kami nung kinagabihan at hindi namin kailangan gumising ng maaga kinabukasan jump


LESSONS learned sa race:

1. dapat may service van ka at kahit isang supporter na tatao sa van. kc mahirap pa ang logistics keysa sa race mismo.
2. dapat narecon mo na ang race route (ala armstrong) bago ka magrace keysa mabulaga ka
3. dapat ready always sa starting line at may tsansang humarurot bigla ang feloton
4. dapat praktisado talaga sa akyatan o sankatutak na Kulai/kaki bukit training bago sumabak sa ToF
avatar
kumagako

Posts : 1906
Join date : 2009-11-02
Age : 40
Location : Singapore

View user profile http://www.cyclingsolutions.biz

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  Proud2bpinoy on Sun May 15, 2011 11:40 pm

as usual, nice write-up dre.
avatar
Proud2bpinoy

Posts : 633
Join date : 2009-11-04

View user profile

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  mike-o on Mon May 16, 2011 9:20 am

aprub!
avatar
mike-o

Posts : 109
Join date : 2009-11-22

View user profile

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  skid on Tue May 17, 2011 12:23 am

thank you sa race report. parang nakasama na din ako party
avatar
skid

Posts : 131
Join date : 2009-11-24

View user profile

Back to top Go down

Re: Tour of Friendship 2011

Post  Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum